Ngayong gabi, nag-away nanaman kami. Noong una akala ko dahil lang to sa regalo ko sa kanya na hindi ko pa rin nabibigay hanggang ngayon. Pero laging nagkakaganito kapag nagiging isyu ang birthday niya at ang kakulangan ko ng "thoughfulness".
Siguro magandang simulan ang post na ito sa mga bagay na nararamdaman ko. Aaminin ko, hindi na ako kasing saya kumpara noong unang naging tayo. Dati, eager akong puntahan ka kahit everyday para lang makita ka. Once in a while, may ibibigay ako sa iyong bagay. Naalala mo yung pamaypay? Eh yung box na may mga hand made stars at mga bottles? Eh yung mga pagkain? Alam ko naman kasi na mahilig kang kumain kaya nagdadala ako noon madalas ng pagkain. Dinalhan din kita dati ng mga bulaklak pag galit ka(one time ininfiltrate ko pa building niyo para lang mabigay yun). Hinihintay kita noon kahit sobrang tagal mo bago ka umuwi dahil sa mga bagay bagay. Naalala mo yung sinusundo kita sa Ospital ng Maynila kahit disoras na ng gabi? Tsaka yung isang beses na nag overnight duty ka at sinundo kita ng 6am ng umaga kahit may pasok ako ng 8.30am? May kakaibang feeling kasi noon pag nakikita kita. Yung feeling na sobrang saya at gaan sa kalooban.
I know I'm not perfect. Di nga ako gwapo eh. Taba ko pa. Di ako matalino. Kuntento ako sa passing grade at okay lang sa akin kung may bagsak ako. Mababa height ko. May mga bagay akong gusto na ayaw mo. Pero I can really say na mahal kita. Nasabi ko na sa'yo na di ako patient na tao. I hate waiting. Kaya nga ayaw ko sumama sa family ko pag lumalabas eh. Laging may instance na kailangan ko maghintay. Kailangan may ginagawa ako kung kailangan maghintay. Pero naging sobrang patient ako sa'yo. Hinintay ko ang sagot mo for 1 year and 2 months. Maraming nagsabi sa'kin na wag na kitang ipursue. Wala ka naman daw pinapakitang feelings sa akin noon eh. Pero sabi ko, "Mahal ko na eh, mahirap na gawin yun."
At this point in time, I admit na I'm not as happy as before. Marami na nangyari sa ating dalawa. Minsan masaya, minsan malungkot. Dumadaan tayo sa mga away and pagtatalo. Pero meron din namang mga masasayang instances. Also, sa totoo lang, I'm having a hard time balancing things. Feeling ko may times na nagkukulang ako sa'yo dahil yung attention ko ay nakatuon sa ibang bagay. Sorry for that. Pero, I'm doing everything I can to see things through. Maybe this is just a phase. Parang wheel, minsan nasa taas or nasa baba. Alam kong marami ka ring bagay na naeexperience. Lalo na yung decisions mo na makakaapekto sa buhay mo. Kung kailangan mong mamili kung aalis ka na dito, I will not stop you. I know how you feel about this place. The system, the people and lots of other stuff. I know you will have a brighter future there. You deserve it. But always remember that letting you leave might be the hardest decision that I will make in my life. I want you to be happy. I love you.
PS. Sabi niya ito today kaya ko sinulat ang post na ito:
CMC: Wala
CMC: Ayoko na
BP: ng ano?
CMCe: Dto
BP: haaaay
CMC: Ayoko n stn